Posts

Showing posts from August, 2025

Kalagayan ng edukasyon sa pilipinas

Bilang isang estudyante, araw-araw kong nararanasan ang tunay na kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas. Hindi lang ito basta topic sa balita o tinalakay sa klase ito ay buhay naming mga kabataan. Sa taong ito.. marami pa ring problema sa sistema ng edukasyon na tila paulit-ulit at hindi natutugunan. Unang-una, kulang pa rin sa pasilidad ang maraming paaralan(Ama Computer Collage Lipa). Sa lugar namin, may mga silid-aralan na sira pa ngunit ginagawa na ito . Kung tag ulan nahihirapan din kaming pumasok dahil sa mga traffic na madadaanan sa aming lugar. Pero sa ibang paaralan nahihirapan sila dahil may mga classroom na sira ang mga bubong at iba pang parte ng silid aralan. Bukod dito, hindi lahat ay may access sa teknolohiya. Oo, may ilang paaralan na may computer lab, katulad ng (Ama computer collage lipa).pero madalas sa ibang paaralan  ay luma na ang gamit o hindi sapat para sa dami ng estudyante. Marami rin sa amin ang walang maayos na internet sa bahay, kaya kung may online task...