Kalagayan ng edukasyon sa pilipinas


Bilang isang estudyante, araw-araw kong nararanasan ang tunay na kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas. Hindi lang ito basta topic sa balita o tinalakay sa klase ito ay buhay naming mga kabataan. Sa taong ito.. marami pa ring problema sa sistema ng edukasyon na tila paulit-ulit at hindi natutugunan.

Unang-una, kulang pa rin sa pasilidad ang maraming paaralan(Ama Computer Collage Lipa). Sa lugar namin, may mga silid-aralan na sira pa ngunit ginagawa na ito . Kung tag ulan nahihirapan din kaming pumasok dahil sa mga traffic na madadaanan sa aming lugar. Pero sa ibang paaralan nahihirapan sila dahil may mga classroom na sira ang mga bubong at iba pang parte ng silid aralan.

Bukod dito, hindi lahat ay may access sa teknolohiya. Oo, may ilang paaralan na may computer lab, katulad ng (Ama computer collage lipa).pero madalas sa ibang paaralan  ay luma na ang gamit o hindi sapat para sa dami ng estudyante. Marami rin sa amin ang walang maayos na internet sa bahay, kaya kung may online tasks o modules, kailangan pang pumunta sa kapitbahay o computer shop.

Hindi rin madali ang cramming ,minsan sabay-sabay ang projects, quizzes, at reports. Kulang sa pahinga, pero kailangan pa ring magpasa sa takdang oras.Minsan naiisip ko na sumuko pero wala naman mapapala kung titigil., at natatanong sa sarili  na natututo pa ba talaga kami, o basta matapos lang ang mga requirements?.

Sa kabila ng lahat, saludo ako sa mga guro. Ramdam kong ginagawa nila ang lahat para maituro sa amin ang kailangan. Kahit pagod na sila, kahit kulang sa resources, patuloy silang nagtuturo. Pero alam kong sila man ay hirap na rin.  Ngunit aming pinag dadasal na  pagbabago  ng curriculum at bawasan ang mga subject  at Core subjects nalang ,  at ayuda sa mga estudyante. Pero sa totoo lang, hindi pa ito sapat. Kailangan ng mas seryosong aksyon. Ang edukasyon ay hindi dapat privilege, kundi karapatang pantao.

Para sa aming kabataan, ang edukasyon ang tanging pag-asa sa mas maayos na buhay. Kaya sana, sa taong ito at sa mga susunod pa, bigyang halaga ng pamahalaan at ng buong lipunan ang tunay na pangangailangan sa loob ng paaralan. Dahil sa bawat batang matututo, isang bansang uunlad.


Comments

Post a Comment